Isang bahay kubo na nagkakahalaga ng P75,000 ang opisyal na ipinagkaloob ng Mayor’s Office sa PNP Bayambang noong ika-8 ng Agosto 2025, bilang dagdag pasilidad sa checkpoint ng PNP sa Brgy. Malimpec.
Ito ay magsisilbing pahingahan at pansamantalang opisina ng mga pulis, lalo na sa panahon ng init o ulan, bilang suporta sa kanilang seguridad at pagbabantay sa bayan.
Ang kubo ay inilagay sa loteng ipinahiram ng kapatid ng residente na si Gng. Aurora Valdez na si Gng. Carlita Valdez. (KB/RSO; JMB)


