PNP-Bayambang, May Bagong Service Vehicle

Tinanggap ng PNP-Bayambang sa pangunguna ni PLtCol Rommel P. Bagsic noong Setyembre 16, 2024, ang isang brand new vehicle bilang pinakabagong mobility asset nito.

Sa ginanap na ceremonial turnover, dumalo si PMGen. Romeo M. Caramat Jr., Director ng Area Police Command, Northern Luzon, bilang pangunahing panauhin.

Kasabay ng turnover ceremony ay nagkaroon din ng blessing para sa bagong sasakyan.

Sa bagong sasakyan, inaasahang mas mapabilis ang pagresponde ng PNP sa mga insidente ng krimen, emergencies, at pagpapatrolya sa ating bayan, na inaasahang ibayong magpapabuti sa seguridad at kaayusan ng Bayambang. (KALB; RSO; AG)