Pneumatic Corn Planter, Idinemo sa Brgy. Malimpec

Noong October 16, 2023, nag-organisa ang MAO ng isang field demonstration para sa pneumatic corn planter sa Brgy. Malimpec.

Ayon sa MAO, ang paggamit ng pneumatic corn planter ay may pitong benepisyo:

1. Mapabuti ang produktibidad at paglago ng agrikultura

2. Makatipid ng oras at lakas sa mga gawain sa sakahan dahil mekanikal at otomatiko na ang paggawa

3. Mapataas ang kalidad at halaga ng mga agrikultural na produkto dahil mas mabilis, epektibo, at maayos ang paggawa

4. Mabawasan ang likas na panganib at pagod na nararanasan ng magsasaka

5. Maipagpatuloy at mapalawak ang produksyon ng agrikultura sa gitna ng lumalaking populasyon at pagbabago sa klima

6. Pataasin ang antas ng kasiglahan ng sektor ng agrikultura

7. Matiyak ang pangmatagalang kaunlaran sa industriya ng agrikultura

Ang naturang makinarya ay ang makinang nauna nang natanggap ng Bayambang District 7 Cluster Organization mula sa Department of Agriculture Regional Field Office 1.