Bilang pagkilala at pasasalamat sa kanilang mahabang panahon ng paglilingkod sa pamahalaang lokal, ginawaran ng Certificate of Appreciation ang pitong retirees ng LGU Bayambang sa isang seremonya na ginanap kasabay ng Flag Raising Ceremony sa Balon Bayambang Events Center nitong Setyembre 29, 2025.
Kinilala sina Municipal Accountant Erlinda Alvarez, Municipal Treasurer Luisita Danan, HRMO Head Nora Zafra, Accountant for Barangay Affairs Elsie Dulay, LCR Officer Leonida Junio, at Treasury Officers na sina Eloisa Quinto at Edna Palisoc, sa kanilang dedikasyon at kontribusyon sa iba’t ibang tanggapan na nagbigay ng mahalagang ambag sa pagpapaunlad ng serbisyo publiko para sa mga Bayambangueño.
Ang pagbibigay-parangal na ito ay isang patunay ng pagpapahalaga ng LGU-Bayambang sa mga kawani na buong pusong nag-alay ng kanilang panahon at kakayahan sa paglilingkod, at nagsisilbing inspirasyon sa mga kasalukuyan at susunod pang henerasyon ng lingkod-bayan. (RGDS/RSO; AG)






