Ang mga opisyal ng PhilRice ay muling nagtungo rito upang magsagawa ng isa na namang Site Working Group Meeting. Ito ay ginanap sa Events Center noong April 24 at dinaluhan ng mga farmer-cooperator at representante ng iba’t ibang ahensya na involved sa Rice Business Innovation System o RiceBIS.
Sa pulong na pinangunahan ni PhilRice Senior Science Research Specialist Joel Pascual, tinalakay ang mga nakaplanong aktibidad at ni-review ang naihandang Memorandum of Agreement.
Layunin din ng aktibidad na pagtibayin ang samahan ng lahat ng ahensya at iba pang grupong kabilang sa proyekto: ang DA-RFO1, OPAg-Pangasinan, CDA-Region I, BPI-NSQCS, PhilMech, DTI-Pangasinan, DOST-Region I, PSTO-Pangasinan, BPRAT, MAO/DA-LGU, KKSBFI, MCDO, E-Agro, PhilRice, local farmers’ association/cooperative, at LGU-Bayambang.
Ang RiceBIS ay isang proyektong nagtuturo sa mga magsasaka na i-manage ang kanilang sakahan bilang isang lehitimong farming business. Ayon sa PhilRice, inaasahan na sa pag-implementa ng RiceBIS, mababago ang mga rice-based farming community patungo sa isang komunidad na inklusibo, competitive, at may sustainable na agroenterprise, kung saan may kakayahang pataasin ng mga magsasaka ng palay ang kanilang kita ng 25%. (RSO/Ace Gloria)