Philippine Coconut Authority, Nagsagawa ng Validation Activity ukol sa Nakatakdang Pamamahagi ng Coconut Seedlings sa Brgy. Managos

Nagsagawa ng validation activity ang Philippine Coconut Authority (PCA) sa Barangay Managos ngayong araw, Abril 27, 2026, kaugnay ng nakatakdang pamamahagi ng mga coconut seedlings sa mga miyembro ng Managos Farmers Agriculture Cooperative sa Brgy. Managos.

Pinangunahan ang nasabing aktibidad ni Ms. Lhea May Cabrera ng PCA bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng ahensya na matiyak ang maayos at tamang distribusyon ng mga suportang pang-agrikultura sa mga lokal na magsasaka, partikular na sa pagpapalakas sa industriya ng niyog.

Kasabay nito, nagsagawa rin ng courtesy call ang PCA sa Municipal Cooperative Development Office (MCDO) kung saan nakipagpulong sila kay OIC, Atty. Melinda Rose Fernandez, kasama sina Engr. Florelexie Valentin at G. Mark Espino ng Municipal Agriculture Office (MAO). (RSO; RP/MCDO)