Ang Local Health Insurance Office – Central Pangasinan ng PhilHealth, katuwang ang RHU III Bayambang, ay nagsagawa ng Konsulta Caravan sa Barangay Carungay noong Hulyo 22, 2025.
Ayon sa ulat ni RHU III head, Dr. Roland M. Agbuya, ang aktibidad ay nagkaroon 725 na kliyente, kung saan 565 sa kanila ang nagkapag-avail ng Konsulta Package Provider registration, 725 ng First Patient Encounter registration, 98 ng consultation, 13 ng laboratory/diagnostic services, at 98 ng mga gamot. (RSO; RHU III)





