Ang Phase I ng Bayambang Pump Irrigation Project ng National Irrigation Authority (NIA) ay nagsimula na noong May 15, 2024, sa Brgy. Amancosiling Sur.
May 22 farming barangays sa mataas na bahagi ng Bayambang ang nakatakdang makinabang sa proyektong ito ng Quiambao-Sabangan administration. Kapag may sapat na irigasyon, sila ay maaaring makapagpatubo ng iba’t ibang pananim ng dalawang beses sa isang taon o kahit sa panahon ng tag-araw. (RSO; larawan: MAO)