PESO-Yokohama Rubber LRA, Nagbunga ng 27 HOTS

Sa pakikipag-ugnayan ng Municipal Public Employment Service Office (PESO) sa Yokohama Rubber Company, matagumpay na isinagawa ang isang local recruitment activity kung saan 27 Bayambangueños ang naging hired-on-the-spot (HOTS) noong Agosto 19–20, 2025 sa SB Session Hall.

Layunin ng naturang aktibidad na makapaghatid ng oportunidad sa trabaho para sa mga Bayambangueño at mapalapit ang mga aplikante sa kumpanyang nangangailangan ng mga bagong manggagawa.

Sa kabuuan, 72 aplikante ang nakapagparehistro sa naturang aktibidad.

Ang ganitong inisyatiba ay patunay ng patuloy na pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at ng pribadong sektor upang makapagbigay ng mas maraming oportunidad sa hanapbuhay at makatulong sa pagpapabuti ng kabuhayan ng mga taong-bayan.(Wrensly M. Calimlim; PESO)