PESO, Tinutukan ang Pagpapaliwanag sa Kasambahay Law, Child Labor, Illegal Recruitment and Trafficking, at BESO

Ang PESO-Bayambang ay nagsagawa ng “Barangay Orientation on Kasambahay Law, Child Labor, Anti-Illegal Recruitment and Trafficking in Persons, and Role of Barangay Employment Service Officer (BESO)” ngayong araw, March 27, 2024 sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park.

Nakilahok dito ang mga barangay captain, SK chairperson, BESO (Barangay Kagawad), Barangay Secretary, at Barangay OFW Association President.

Dumating si Councilor Benjie de Vera para batiin ang mga kalahok, kasama si Mark Espino bilang kinatawan ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad.

Kabilang sa mga naging resource speaker mula sa DOLE CPFO ay sina SLEO Rhodora D. Dingle,  Community Facilitator Kyle L Opinaldo, LEO II Mica Jean Q. Batulan,  at LEO III Panfilo F. Dioquino Jr.

(RSO/PESO)