Sa isang job fair na pinagtulungang gawin ng PESO-Bayambang at PSU Bayambang Campusnoong August 6, 2025 sa Pavilion I, St. Vincent Ferrer Prayer Park, may naitalang 289 registered applicants, kung saan 72 sa mga ito ang hired on the spot (HOTS).
May 10 agencies (9 local, 1 overseas) ang dumalo at nag-alok ng 2,930 job vacancies sa iba’t ibang industriya. (RSO; PESO)











