PDRA para sa Bagyong “Inday,” Isinagawa

Sa pangunguna ni Mayor Niña Jose-Quiambao, isang Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) ang isinagawa ng MDRRMC bilang paghahanda sa pagdating ng Bagyong “Inday” o Bavi ngayong araw, July 9, 2026, sa Mayor’s Conference Room at via Zoom video.

Tinalakay sa pulong ang inaasahang epekto ng bagyo at ang mga paghahandang isinagawa ng LGU, kabilang ang paglalatag ng rescue assets, activation ng response clusters, koordinasyon sa 77 barangays, at paghahanda ng relief goods, gamot, at iba pang emergency resources. Pinayuhan din ang publiko na manatiling alerto at sumunod sa mga abiso ng mga awtoridad.

Ayon kay LDRRMO Genevieve N. Uy, malakas ang bagyong ‘Inday,’ ngunit mabilis naman ang galaw nito kaya’t hindi ito gaanong magbabagsak ng maraming tubig-ulan. Maaari lamang ito aniyang magdulot ng pagdami ng tubig sa mga kailugan sa norte, subalit walang nakikitang panganib ng pagtaas ng tubig sa ating mga kailugan sapagkat napakababa ng lebel ng tubig sa San Roque Dam.

Isa-isang inilatag ng mga miyembro ng MDRMMC ang kanilang mga naging paghahanda kaugnay ng bagong ‘Inday,’ kabilang ang DILG, MSWDO,RHU, Engineering, ICTO, PNP, BFP, Agriculture, MENRO, DepEd, ABC-Barangay, CENPELCO, BayWad, at BPSO.

Samantala, ang publiko ay pinapayuhang mag-ingat at maging mapagmatyag upang maiwasan ang anumang sakuna. (RSO; JMB)