Pinangunahan ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) ngayong araw, Agosto 19, 2026, bilang bahagi ng paghahanda ng lokal na pamahalaan sa bagyong “Neneng” at ang pinaigting na epekto nito sa habagat.
Ginanap ang nasabing pulong sa Mayor’s Conference Room.
Sa pulong, pinag-usapan ang kasalukuyang kondisyon ng pagbaha sa bayan, gayundin ang pinakahuling lebel ng tubig sa San Roque Dam, ang posibleng epekto ng bagyong “Neneng” at habagat, at ang mga hakbang na inihanda LGU at iba pang ahensya upang mabilis na makatugon sa anumang sitwasyon.
Kabilang dito ang paghahanda ng MDRRMO ng mga rescue equipment, pagbuo ng mga response team, pakikipag-ugnayan sa 77 barangay, at paglalaan ng relief goods at iba pang kinakailangang kagamitan.
Dumalo sa pulong ang lahat ng mga miyembro ng MDRRMC, kung saan bawat miyembro ay tumalakay sa mga ginawang paghahanda at mga kinakailangang hakbang upang matiyak ang mabilis na pagtugon sa posibleng epekto ng bagyo at habagat.
Samantala, hinikayat ang publiko na manatiling alerto, mag-ingat, at sumunod sa mga abiso ng mga awtoridad upang makaiwas sa anumang panganib na maaaring dulot ng bagyo. (MADL/VMF/RSO; AG)






