Sa pakikipagtulungan ng PDEA Provincial Office at DILG Bayambang, isinagawa noong Hunyo 17, 2025 ang isang orientation actvity bilang paghahanda sa nalalapit na on-site validation para sa pagpapanatili ng drug-cleared at drug-free status ng 77 barangays sa Bayambang.
Dumalo ang mga partisipante sa Mayor’s Conference Room at online via Zoom.
Tinalakay sa orientation ang mga pamantayan, dokumentaryo, at procedural requirements ng PDEA, pati na rin ang mga bagong update sa kampanya kontra ilegal na droga.
Layunin nito na mabigyang-linaw ang mga proseso at pamantayang sinusunod sa pagsusuri ng PDEA sa pagdeklara sa isang LGU bilang drug-cleared o drug-free.
Binigyang-diin ng mga opisyal ang kahalagahan ng koordinasyon at maayos na paghahanda upang mapanatili ang isang ligtas, maayos, at drug-free na bayan. (SJGG/RSO JMB)
#TotalQualityService
#Niñaarotaka