Regional Roll-Out Training on Unified ID System for Persons with Disabilities (PWDs) Luzon Cluster, ginanap noong October 14-15, 2025 sa Manila Prince Hotel sa pamumuno ng National Council on Disability Affairs.
Dumalo sa training-workshop si Disability Affairs Officer Johnson Abalos at MSWDO IT Staff John Nicole Tabilin sa nasabing Training-Workshop. Ang dalawang-araw na Roll-Out Training on the Unified ID System for Persons with Disabilities ay isinagawa upang palawakin ang kaalaman at kasanayan sa paggamit ng bagong database system para sa mga PWD. Nagbigay ang pagsasanay ng mas malalim na pag-unawa sa kahalagahan ng pagkakaroon ng iisang database para sa mga PWD upang mas mapaigting ang serbisyo, mas mapabilis ang pagproseso, at maiwasan ang dobleng pagbibigay ng ID.
Nakapagbigay din ito ng praktikal na karanasan sa aktwal na paggamit ng system para sa registration process, encoding procedures at pagverify ng mga PWD na magiging mahalaga sa pagpapatupad nito sa antas ng munisipyo at barangay.







