PDA-Pangasinan, Nagbigay ng Oral Health Seminar-Workshop sa CDWs

Ang Philippine Dental Association (PDA)-Pangasinan Chapter sa pamumuno ni Dr. Beah Bautista, President, ay nagbigay ng isang seminar at workshop sa lahat ng 80 Child Development Workers (CDWs) ng Bayambang noong  September 27, 2024, sa SB Hall, Legislative Building bilang parte ng kanilang Project GURO (Guiding Universal Responsibility for Oral Health).

Nagsilbing lecturer sa nasabing seminar-workshop sina Dr. Dave Francis Junio at Dr. Raphael Cezar Casanova, na pawang executive officers ng PDA-Pangasinan Chapter.

Layunin ng proyektong ito na ihanda ang ating mga CDWs na isama ang oral health sa kanilang kurikulum, upang makatulong maiwasan ang maagang pagkasira ng ngipin sa ating mga Child Development Learners (CDLs).

Dagdag pa rito, namahagi rin ang PDA-PC ng mga learning materials at posters na maaaring ilagay sa mga cuspidor ng CDCs.

Lubos ang pasasalamat ng PDA-PC sa suporta ng LGU Bayambang, sa pamumuno ni Mayor Niña Jose-Quiambao at PDA-PC honorary member, Dr. Cezar T. Quiambao, MSWDO sa pamumuno ni Ms. Kimberly Basco, at Municipal Health Officer, Dr. Paz F. Vallo. (DFJ/RSO; DFJ/RHU)