Payout para sa Nutrition Support Group Members, Isinagawa; Mga Weighing Scale at Height Measurement Board, Ipinamahagi

Isang payout activity ang isinagawa ng Center for Health Development ng DOH Region I, kasama ang RHU I, II, at III, Nutrition Office, at Treasury Office para ipamahagi ang mobilization allowance ng lahat ng mga itinalagang miyembro ng Nutrition Support Group.

Ginanap ang payout ngayong araw, May 21 , 2025, sa Bayambang National High School Gymnasium.

Ito ay parte pa rin ng grant ng DOH para sa implementasyon ng Philippine Multi-sectoral Nutrition Program (PMNP) nito.

May 539 NSG members mula sa buong 77 barangays at Technical Working Group members ang nabigyan ng naturang allowance.

Sa naturang event, nag-turn-over din ang DOH-CHD Region I ng mga weighing scale sa lahat ng mga barangay at mga Allen stick o height measurement board na nakatakda ring ipamahagi sa mga barangay. (RSO; JMB)