Parent Leader Summit, Susi sa Mas Epektibong Paghahatid ng Serbisyo ng 4Ps

Upang higit na mapalakas ang paghahatid ng mga programa at serbisyo sa mga barangay, nagsagawa ang DSWD Bayambang ng Parent Leader Summit para sa mga Parent Leader ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ngayong araw, Hunyo 3, 2026, sa Balon Bayambang Event Center.

Bilang bahagi ng aktibidad, nagbigay ng Program Re-Orientation ang mga Municipal Link na sina John Christopher R. Rosquita, Christian D. Carr, Jeri Miah V. Vullero, Lawrence Roy P. Domagas, at Jubeth T. Sugel. Kabilang sa mga paksang natalakay ang 4Ps Overview, Beneficiary Data Management System (BDMS), Compliance Verification System (CVS), Grievance Redress System, at Case Management.

Nagbigay rin ng pagsasanay si Engr. Cherry U. Adriano, Local Government Operations Officer II ng DILG Pangasinan, sa pamamagitan ng Leadership Enhancement through Tower Challenge, isang workshop na sinamahan ng mga games at team-building activities upang mapaunlad ang pagtutulungan, komunikasyon, at leadership skills ng mga kalahok.

Naghatid naman ng mensahe sina Councilor Jocelyn S. Espejo at Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, na kapwa nagpahayag ng suporta sa patuloy na pagpapalakas ng mga Parent Leader bilang mahalagang katuwang sa pagpapaabot ng mga programa at serbisyo ng pamahalaan sa mga komunidad.

Dahil sa pamumuno at tuluy-tuloy na suporta ni Mayor Niña Jose-Quiambao sa mga programa ng 4Ps, unti-unting nabibigyan ng mas maraming oportunidad ang mga pamilya upang makaahon sa kahirapan, kaya patuloy na bumababa ang bilang ng mga mahihirap na household sa bayan. (KBP/RSO; JMB, AG)