Parent Effectiveness Service (PES) Training, Ginanap para sa mga Guardian ng Daycare Pupils

Isang Parent Effectiveness Service (PES) Training ang sabay-sabay na isinagawa ngayong araw, March 21, 2024, Cluster 1, 2, at 3 Child Development Centers para sa mga magulang at guardians ng mga naka-enrol na child development learners, kaugnay sa paggamit ng bagong Early Childhood Care and Development (ECCD) Assessment Tool.

Ang Cluster 3 training ay isinagawa sa Brgy. Buayaen, samantalang ang Cluster 2 traning ay ginanap sa Brgy. Carungay, at Cluster 1 training naman ay sa Brgy. San Vicente.