Panukalang Revised Revenue Code at Market Code, Tinalakay sa Pampublikong Pagdinig

‎Tinalakay ng Sangguniang Bayan (SB) ng Bayambang ang panukalang Revised Revenue Code at Revised Market Code sa isang pampublikong pandinig na dinaluhan ng mga taxpayers, business owners at operators, market stall holders, barangay officials, at iba pang sektor ngayong araw, February 21, 2026, sa Balon Bayambang Events Center.

‎Sa naturang pagdinig na inorganisa ni SB Secretary Joel V. Camacho, inilahad ang mahahalagang probisyon ng mga panukalang ordinansa, kabilang ang mga panibagong regulasyon, bayarin, at kaukulang parusa sa mga lalabag.

‎Nagkaroon din ng bukas na talakayan at dayalogo kung saan naiparating ng mga dumalo ang kanilang mga suhestiyon, komento, at paglilinaw hinggil sa mga probisyong nakapaloob sa panukala.

‎Ang pagdinig ay pinangunahan ni Councilor Levinson Nessus M. Uy, Chairman ng Committee on Market Trade and Industry at Committee on Ways and Means, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na tiyaking malinaw, makatarungan, at angkop sa pangangailangan ng bayan at constituents nito ang mga ordinansang ipatutupad. (RGDS/RSO; AG)