Panibagong Responder para sa Oras ng Sakuna

Dahil sa tapat na pamamahala ni Mayor Niña Jose-Quiambao, ang buwis ng taumbayan ay bumabalik din para sa kapakinabangan ng lahat.

Ngayong araw, September 25, 2025, nagkaroon ng isang simpleng blessing ceremony para sa isa na namang rescue vehicle responder, sa pangunguna ng MDRRMO.

Ang bagong responder — na pang-15 na ng departamento simula 2016 — ay nagkakahalaga ng P2,488,000.00.

Ang seremonya ng pagbabasbas ay pinangunahan ni Fr. Marlon Allam ng Santuario de San Vincente Ferrer. (RSO; MRRMO)