Pangkabuhayan Caravan para sa OFWs ni Gov. Guico, Namahagi ng Tulong sa OFWs

Isang Pangkabuhayan Caravan para sa OFWs ang isinagawa ng provincial government bilang isang livelihood assistance program para sa mga distressed o displaced OFWs ng 3rd District.

Ito ay isinagawa ngayong araw, Agosto 30, 2024, sa pakikipag-ugnayan sa PESO-Bayambang, sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park.

May 50 OFWs, kabilang ang anim na taga-Bayambang, ang nakatanggap ng financial assistance na nagkakahalaga ng P5,000 kada isa bilang business start-up capital, at isang sertipiko matapos silang magsipagtapos sa isang financial literacy seminar.

Mainit na winelcome ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, bilang kinatawan ni Mayor Niña Jose-Quiambao, ang mga naging panauhin na sina Provincial Migrant Desk Officer Christopher Dioquino, Labor and Employment Officer III Rachel Jose, at ang representante ni BM Shiela Baniqued na si Mr. Ariel Ferrer. (RSO; AG)