Sumailalim ang Pangasinan Egg Producer Association sa isang orientation hinggil sa tamang proseso ng pag-oorganisa ng kooperatiba, na pinangunahan ni MCDO staff Ralph Perez.
Kasabay nito, isinagawa rin ang pre-registration seminar ng Cooperative Development Authority Region I Extension Office sa pangunguna ni CDS II Sheryl Lou M. Fabia.
Ginanap ngayong araw, Abril 8, 2026, ng aktibidad ng buong araw sa El Siesta Hotel and Resort sa Brgy. Bical Norte, bilang bahagi ng pagsuporta sa pagpapalakas at pormalisasyon ng samahan tungo sa pagiging ganap na kooperatiba. (RSO; MCDO)







