Pangangalap ng Datos sa Real Property, Nagpatuloy kaugnay ng RPVARA

Ang Municipal Assessor’s Office, sa pangunguna ni OIC-Municipal Assessor, Atty. Bayani B. Brillante Jr., ay kasalukuyang nagsasagawa ng pangangalap ng datos mula sa mga real property owner sa iba’t ibang barangay.

Ito ay bahagi ng paghahanda para sa pagbabalangkas ng Schedule of Market Value (SMV) at pagsasagawa ng Pangkalahatang Rebisyon ng Pagtatasa at Klasipikasyon ng mga Ari-arian (General Revision of Property Assessment and Classification), alinsunod sa Batas Republika Blg. 12001 (Real Property Valuation and Assessment Reform Act).

Ang aktibidad ay ginanap noong Setyembre 1-4, 2025 sa Brgy. Tamaro, Pangdel, Bacnono, Balaybuaya, Bani, Sapang, Telbang, at Hermoza. (MAO/RSO; MAO)