Pangangalaga sa Kalusugan ng Kababaihan, Pinagtibay sa Isang Seminar

“Taking care of yourself is the ultimate form of empowerment.” (“Ang pag-aalaga sa iyong sarili ay ang pinakamataas na anyo ng pagpapalakas.”)

Ito marahil ang isa sa mga pinakabuod ng isang matagumpay na seminar na isinagawa ukol sa “Women’s Health, A Prime Priority” na ginanap ngayong araw, Marso 14, 2025, sa Balon Bayambang Events Center.

Pinangunahan ni Municipal Health Officer, Dr. Paz F. Vallo, ang programa, na layuning bigyang-kaalaman ang kababaihan tungkol sa mga isyu sa kanilang kalusugan at kung paano ito mapangangalagaan.

Naging resource speakers sina Dr. Lorelene P. Mangarin, na nagbigay ng mahalagang impormasyon tungkol sa “Common Female Reproductive Illnesses: Prevention, Transmission, Diagnosis, and Treatment,” Municipal Nutritionist Venus M. Bueno, na tinalakay ang “Nutrition and Lifestyle Choices for Women’s Health,” na nagbigay-diin sa tamang nutrisyon at malusog na pamumuhay, at Municipal Dentist, Dr. Dave Francis D. Junio, na nagpaliwanag sa kahalagahan ng “Women’s Oral Health and Well-Being.”

Sa pamamagitan ng seminar na ito, hinimok ang mga kababaihan na bigyang-pansin ang kanilang kalusugan at gamitin ang tamang kaalaman upang maiwasan at malunasan ang iba’t ibang karamdaman.

Ito ay patunay sa patuloy na pagsisikap ng Lokal na Pamahalaan ng Bayambang, sa pamumuno ni Mayor Niña Jose-Quiambao, na bigyang-lakas at protektahan ang bawat Bayambangueña. (Geralyn Pagsolingan/KB/RSO; JMB)

#TeamQuiambaoSabangan

#TotalQualityService

#NiñaAroTaka