Ngayong araw, Mayo 8, 2026, inihatid ng LGU-Bayambang ang pang-anim na bahay kubo mula sa ‘Grand Ukay for a Cause’ project ni Mayor Niña Jose-Quiambao.
Lubos ang kagalakan at pasasalamat ng benepisyaryo na si Gng. Annalyn E. Bato at kanyang pamilya ng Brgy. Dusoc.
Ang pamilya Bato ay may apat na na miyembro, kung saan ang tanging ikinabubuhay ay ang unstable income ng kanilang ama na isang farm laborer. Ang kanilang maliit na tahanan ay yari sa sawali at mukhang matutumba na, at ito ay nakatirik sa lupang pagmamay-ari ng biyenan ni Annalyn.
Nagbayanihan ang kanyang mga kabarangay sa tulong ng mga barangay officials upang mano-manong dalhin ang kanyang bahay kubo sa kanilang lugar.
Sa ngalan ni Mayor Niña, ang pamamahagi ng kubo ay pinangunahan nina Councilor Jocelyn Espejo at Councilor Rhyan de Vera, bilang bahagi ng patuloy na programang pabahay ng lokal na pamahalaan para sa mga pamilyang lubos na nangangailangan.
Bawat kubo ay may kasamang solar panels, solar lights, at solar fan upang matiyak ang mas maayos at komportableng pamumuhay ng mga benepisyaryo.
Naisakatuparan ang proyektong ito sa pamamagitan ng pondong nagmula sa personal na donasyon ni Mayor Niña, kasama ang nalikom mula sa isinagawang Grand Ukay for a Cause noong kapistahan, gayundin ang suporta ng Rotary Club of Bayambang sa ilalim ni President Leonora Sagun.
Sa aktibidad, nagpamahagi si former Rotary Club of Bayambang President at project donor Asteria Perez-Wilhelm ng mga sandwich at soft drinks na kanya ring idinonate.
Naging matagumpay ang inisyatibong ito sa sama-samang pagkilos at kooperasyon ng Administrator’s Office, BPRAT, DSWD/MSWDO, Engineering Office, at iba pang tanggapan ng lokal na pamahalaan. (SMGC/RSO; MSWDO)





