Isang pamilyang nasunugan sa Brgy. Bical Sur noong Hulyo 20, 2025 ang hinatiran ng tulong ng LGU-Bayambang.
Matapos apulain ng BFP ang sunog, nagtungo ang MDRRMO sa lugar sa direktiba ni Mayor Niña Jose-Quiambao, upang tingnan ang lagay ng mga apektadong miyembro ng pamilya, na ngayon ay pansamantalang naninirahan sa katabing maliit na kubo.
Agad namang binisita ni Vice-Mayor IC Sabangan ang pamilya at hinatiran ng paunang tulong.
Kinabukasan, sila ay binigyan ng mga relief pack ng MSWDO na naglalaman ng bigas at iba pang pagkain at personal necessities.
Pinoproseso pa ng tanggapan ang adisyunal na financial aid para sa kanila.
Inaalam pa ang naging sanhi ng sunog.
Inaabisuhan ang publiko na patuloy na mag-ingat at maging mapagmatyag, dahil hindi komo maulan o may bagyo ay hindi na masusunugan. (RSO; BFP, VMIC, MSWDO, MDRRMC)







