Pamilya sa Bical Norte, Bagong Benepisyaryo ng Bahay Kubo mula sa “Ukay for a Cause”

Isa na namang pamilya ang naging benepisyaryo ng Ukay for a Cause project ni Mayor Niña.

Ito ay ang pamilya ni Jeffrei C. Añasco, 36 taong gulang, ng Brgy. Bical Norte, na humiling ng tulong sa tanggapan ng alkalde.

Si Añasco ay kasalukuyang umeekstra lamang bilang isang construction worker at may pitong anak, kabilang ang isang PWD, sa kinakasamang si Marites.

Ang Ukay for a Cause ay proyektong lumilikom ng pondo mula sa pagbebenta ng mga donasyong damit at kagamitan mula sa iba’t ibang indibidwal na nais makatulong.

Bahagi ng nalikom na pondo ay galing sa isang food fair na fund-raising activity naman ng Nutrition Office sa pagdiriwang ng 2025 National Nutrition Month. (VMF/RSO; AG)