Pamaskong Handog Year 9, Pinangunahan ni Mayor Niña

Sa ginanap na pamaskong pamamahagi ng Team Quiambao-Sabangan, muling pinatunayan ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang kanyang malasakit sa mga mamamayan ng Bayambang sa pamamagitan ng simpleng handog na 5 kilong bigas sa bawat pamilya.

Aniya, “Hindi mahalaga kung maliit o simple ang handog, ang mahalaga ay ito ay bukal sa puso at mula sa sariling kakayahan.” Sa bawat bigas na ipinamahagi, ramdam ng mga nakatanggap ang taos-pusong hangarin na makatulong sa kapwa, lalo na sa panahon ng Kapaskuhan.

Kasama ang kanyang Team Quiambao-Sabangan, pinangunahan niya ang pamamahagi sa iba’t ibang barangay ng bayan. Maraming residente ang nagpasalamat sa simpleng ngunit makahulugang handog, na nagpapaalala na ang tunay na diwa ng Pasko ay hindi nasusukat sa laki ng regalo kundi sa puso ng nagbigay.