Pamamahala sa mga GAD Program para sa 2025, Tinalakay sa Pulong

Ang Gender and Development (GAD) Technical Working Group ng pamahalaang lokal ay nagpulong upang suriin ang paggamit ng badyet at implementasyon ng mga programa at aktibidad na nakatuon sa kapakanan ng iba’t ibang sektor ng komunidad sa taong 2025.

Sa pulong na ginanap sa Mayor’s Conference Room nitong December 18, tinalakay ang mga GAD activity na naisagawa ng iba’t ibang tanggapan ng LGU at mga ahensya, kabilang ang mga programang para sa women empowerment, child protection, pag-iwas sa gender-based violence, at mga serbisyong may kaugnayan sa kalusugan, nutrisyon, at kabuhayan.

Tinalakay rin ang episyenteng paggamit ng pondo, ang mga naging epekto ng mga programa sa komunidad, at fund utilization rate.

Nanguna sina Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, at GAD Focal Person, MSWD Officer Kimberly S. Basco, sa nasabing pulong bago matapos ang taon. (WMC; WMC)