Pamamahagi ng Relief Goods sa mga Nag-evacuate dahil sa Baha, Patuloy

Ang quick response team ng LGU — MDRRMO, MSWDO, at Engineering — at Barangay DRRMC ay patuloy sa pamamahagi ng relief goods sa mga apektadong pamilya bunsod ng tropical cyclone ‘Nando’ at ‘Opong’ at habagat (southwest monsoon).

Kahapon, Setyembre 24, 2025, ang team ay nagtungo sa mga barangay evacuation center ng Tambac, Zone V, Iton, at Manambong Sur. (RSO; MDRRMC)