Pamamahagi ng Pamaskong Handog 2023, Sinimulan na

Nag-umpisa na noong November 20, 2023 ang pamamahagi ng Christmas packages para sa 31,539 households para sa Pamaskong Handog na hatid ng Kasama Kita sa Barangay Foundation at Niña Cares Foundation mula sa sariling bulsa ni Mayor Niña Jose-Quimbao at ng kanyang kabiyak na si Dr. Cezar T. Quiambao.

Nauna nang bigyan ng Christmas package ang Barangay Ambayat 1st, Ambayat 2nd, Wawa, Pugo, at San Vicente.

Hindi ito nakaliligtaang gawin taun-taon ni Mayor Quiambao upang sa gayon ay pagsapit ng Kapaskuhan ay may maihahain ang bawat Bayambangueño sa kanilang hapag-kainan.

Sa iba pang mga barangay: Mangyari lamang po ay maghintay sa Pamaskong Handog team na dadalaw sa inyong barangay.

Sharlene Joy G. Gonzales/ RSO