Ngayong araw, May 1, 2026, nag-umpisa na ang LGU ng pamamahagi ng mga donasyong kubo sa mga napiling benepisyaryo.
Sa ngalan ni Mayor Niña, ang LGU, sa pangunguna nina Councilor Jocelyn Espejo, Councilor Rhyan de Vera, at Councilor Raymund Camacho, ay nagdeliver ng kubo kina Rose Marie Castillo ng Brgy. Buayaen at Eliza P. de Guzman ng Brgy. Buenlag 2nd.
Sila rin ay binigyan ng mga solar panels, solar lights, at solar fans.
Ang ipinambili ng mga naturang kubo ay mula sa pondong donasyon ni Mayor Niña at sa nalikom mula sa Grand Ukay for Cause noong kapistahan at sa tulong din ng Rotary Club of Bayambang.
Naging posible ang aktibidad sa pagtutulungan ng Administrator’s Office, BPRAT, DSWD/MSWDO, at Engineering Office, at ibang departamento ng lokal na pamahalaan. (RSO; AG, Admin)






