Painting Contest Winners, Kinilala; MNJQ, CTQ, Bibilhin ang mga Obra

Ginanap ang Awarding Ceremony para sa mga nanalo sa Painting Contest na inorganisa ng Museum of Bayambang at Municipal Tourism, Information and Cultural Affairs Office (MTICAO) noong May 26, 2025 sa Balon Bayambang Events Center. Ito ay bahagi ng selebrasyon ng International Museum Day 2025 na may temang “The Future of Museums in Rapidly Changing Communities.”

Kinilala si Ariel Cancino mula sa Bugallon, Pangasinan bilang First Place Winner at makakatanggap ng ₱10,000 cash prize. Nakuha naman ni Gel Austin Pascua ng Zone VII, Bayambang ang Second Place at makakatanggap ng ₱7,000, habang si Marianne Magalong mula sa Bautista, Pangasinan ang Third Place Winner na may premyong ₱5,000.

Makakatanggap din ng ₱500 consolation prize ang mga hindi pinalad na manalo. Sa kabuuan, may 15 participants ang sumali sa kompetisyon – hindi lamang mula sa Bayambang kundi mula rin sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Pangasinan.

Bilang pagpapakita ng suporta sa sining at sa mga lokal na alagad nito, lahat ng ipinakitang likhang-sining ay personal na bibilhin nina Mayor Niña Jose-Quimbao at SATOM, Dr. Cezar T. Quiambao. Isang hakbang ito upang maitaguyod ang sining bilang mahalagang bahagi ng pag-unlad ng komunidad.

Ang aktibidad ay patunay ng patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan at ng pamayanang pangkultura sa sining at malikhaing pagpapahayag. Isa rin itong hakbang upang higit pang hikayatin ang mga kabataan at lokal na artists na ipagpatuloy ang kanilang passion sa sining habang kinikilala ang kahalagahan ng mga museo bilang tagapangalaga ng kasaysayan at kultura. (APV; AG)

#TotalQualityService

#Niñaarotaka