Painting Contest, Ginanap sa Selebrasyon ng International Museum Day 2025

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng International Museum Day 2025 na may temang “The Future of Museums in Rapidly Changing Communities,” nagsagawa ang Museum of Bayambang at ng Municipal Tourism Information and Cultural Affairs Office (MTICAO) ng isang painting contest ngayong May 20, 2025 sa Museum of Bayambang.

Nilahukan ito ng 15 na mga kalahok na nagpakita ng kani-kanilang malikhaing interpretasyon ng tema, na layuning ipakita ang mahalagang papel ng mga museo sa pagpapalaganap ng kamalayang kultural, inobasyon, at panlipunang pag-unlad sa gitna ng mabilis na pagbabago ng komunidad.

Nagsimula ang programa sa isang ribbon-cutting ceremony upang pormal na buksan ang paligsahan, at nagbigay ng makabuluhang mensahe ang Head ng MTICAO na si Dr. Rafael L. Saygo, na nagbigay inspirasyon sa mga kalahok at pinuri ang kanilang partisipasyon sa pagtataguyod ng sining at kultura sa bayan.

Ang mga hurado sa patimpalak ay binubuo nina Prof. Januario Cuchapin, Executive Director ng Bayambang Municipal Council on Culture and the Arts (BMCCA), kasama ang dalawang Bayambangueño artist na sina Mr. Joseph Gumangan at Mr. Benny Gilbert Frias.

Ang patimpalak ay naging isang makabuluhang tagpo hindi lamang para sa mga artist kundi para rin sa buong komunidad bilang pagpupugay sa kahalagahan ng mga museo bilang tagapangalaga ng kasaysayan, sining, at kultura—na patuloy na umaangkop sa pagbabago ng panahon.

(Angel P. Veloria; JMB)