Bilang bahagi ng post-disaster assessment ng lalawigan, isinagawa ng Office of Civil Defense Region I (OCD-R1) ang field inspection at validation ng mga nasirang imprastruktura sa Bayambang bilang tugon sa pinsalang dulot ng mga bagyong Kristine, Leon, Marce, Nika, Ofel, at Pepito noong 2024, at upang matiyak ang maayos na pagsusuri at dokumentasyon ng mga nasirang imprastruktura.
Sila ay inasistehan ng MDRRMO sa pangunguna ni LDRRM Officer Genevieve N. Uy.
Layunin ng aktibidad na ito na masukat ang lawak ng pinsala, magsilbing batayan sa recovery planning, at matukoy ang posibleng pondong kinakailangan para sa rehabilitasyon.
Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), umabot sa ₱20 milyon ang tinatayang halaga ng pinsala sa Tarlac Boundary–Bayambang Diversion Road sa may Brgy. Managos.
Kabilang sa mga natukoy na sirang imprastruktura ay ang mga bitak at pagguho ng pavement at seawall.
Pinangunahan ang inspeksyon ng mga kinatawan mula sa Regional Risk Reduction and Management Service ng OCD-R1 na sina Chief Kristian A. Tabisaura at staff na si Jezza Calaguing, kasama rin sina Josefina Oamar, Chief ng Maintenance Division ng DPWH R1, Crissa Dianne Oligo at Marilyn Dacumos ng DPWH R1, James Tadifa ng DILG R1, Harry Christian Nool ng DHSUD, at Kathleen Irah Magaliao ng DepDev.
Ginanap ang field inspection noong Hunyo 19, 2025, sa pakikipagkoordinasyon ng Post-Disaster Needs Assessment (PDNA) Team, katuwang ang Office of Civil Defense Region I at sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Niña Jose-Quiambao, kasama ang Municipal Engineering Office at MDRRMO ng Bayambang. (RGDS/RSO;JMB)