Ipinagpapatuloy ng Bali-Balin Bayambang (BBB) Monitoring Team ang kanilang aktibidad ngayong Marso bilang bahagi ng adbokasiya ni Mayor Niña Jose-Quiambao sa kalinisan at pangangalaga sa kapaligiran.
Sa nakalipas na mga linggo, naisagawa ang validation noong Marso 4 sa Distrito 1, Marso 11 sa Distrito 7, at Marso 18 sa Distrito 3, at nakatakda naman ang susunod na validation sa Marso 25 sa Distrito 9.
Lahat ng barangay ay isinailalim sa validation, kasama ang kanilang catchment areas at mga pampublikong paaralan.
Ang bawat obserbasyon ay agad na ipinaabot sa mga kinauukulan kasama ang mga mungkahi upang mas mapabuti ang implementasyon ng BBB program.
Ginamit sa validation ang “Bloom, Green, and Clean” scoring matrix para sa mas sistematikong pagsusuri sa 33 na barangay.
Sa pamamagitan ng matrix na ito, natitiyak na bawat barangay ay sumusunod sa pamantayan ng kalinisan, kaayusan, at pagpapahalaga sa kalikasan.
Patuloy ang ating bayan sa pagkakaisa at pagtutulungan upang maging malinis, maayos, masigla, at tunay na bali-bali ang bayan ng Bayambang. (RHOB/RSO; BBB)










