Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na mapalakas ang kakayahan at kaalaman ng bawat departamento sa tamang pagba-budget, isinagawa noong Hunyo 24, 2025, ang isang Budget Coaching and Mentoring Session sa Sangguniang Bayan Session Hall.
Pinangunahan ito ni Ms. Marie Christine V. Bautista, Municipal Budget Officer, at dinaluhan ng mga department at unit head, kinatawan mula sa iba’t ibang national agencies, at mga mini-budget officer ng mga departamento.
Sa mga naging usapin, pinanalim ng Budget Office ang pang-unawa ng mga kawani sa tamang proseso ng paghahanda at pagsasakatuparan ng badyet ng kani-kanilang mga tanggapan.
Tinalakay ang mga sumusunod na mahahalagang paksa: pangkalahatang-ideya ng budget cycle, mga tungkulin ng mga department/unit heads at mini-budget officer, FY 2026 local budget call at ang mga pangunahing punto nito, at sagot sa mga karaniwang isyung kinahaharap sa pagsusuri ng mga budget proposal.
Ang aktibidad ay naging bukas na plataporma para sa pag-uusap, pagbabahagi ng kaalaman, at paglilinaw ng mga isyu upang masiguro ang mas episyente, tapat, at responsableng pag-allocate ng mga pondo mula sa kaban ng bayan. (KB/RSO; AG)
#TotalQualityService
#NiñaAroTaka