Isinagawa ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Bayambang ang isang lecture at demonstration hinggil sa tamang pagbibigay ng first aid para sa mga on-the-job trainees (OJT) noong Mayo 5, 2026. Ginanap ang aktibidad sa MDRRM Satellite Office sa Wawa EC bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kakayahan ng mga kabataan sa pagtugon sa mga emerhensiya.
Sa nasabing pagsasanay, ibinahagi ang mahahalagang kaalaman at kasanayan sa agarang pagresponde sa mga insidente tulad ng sugat, pagkahimatay, at iba pang pangunang lunas na maaaring makapagligtas ng buhay. (RSO; MDRRMO)









