Pagpupugay sa mga Bagong Abogado ng Bayambang!

Ipinagmamalaki ng Pamahalaang Bayan ng Bayambang ang tagumpay ng tatlong natatanging Bayambangueño na matagumpay na nakapasa sa Bar Examinations. Ang kanilang dedikasyon, sipag, at determinasyon ay nagsilbing inspirasyon hindi lamang sa sektor ng pamahalaan kundi sa buong komunidad.

Kabilang sa mga nakapasa sa Bar Examinations sina Atty. Gabriel Tristan P. Fernandez, dating Sangguniang Kabataan Federation President; Atty. Mary Grace Caguioa Agas, Business Permits and Licensing Office Head; at Atty. Charlemagne Perez Papio, Municipal Legal Staff, sa kanilang mahalagang tagumpay sa larangan ng batas.

Ang kanilang tagumpay ay patunay na ang serbisyo publiko at personal na pangarap ay maaaring magsabay tungo sa mas makabuluhang layunin. Nawa’y magsilbi silang huwaran sa kabataang Bayambangueño na mangarap at magsikap para sa bayan.