Pinulong nina Mayor Niña Jose-Quiambao at SATOM, Dr. Cezar T. Quiambao, ang mga kapitan o Punong Barangay upang talakayin ang paglulunsad ng “Discipline Zones,” na may kasamang mahigpit na pagpapatupad ng truck ban, tamang pamamahala ng paradahan, at parusa sa mga kolorum na sasakyan at mga drayber na walang lisensya.
Kabilang din sa mga naging usapin ang ilegal na koneksyon sa kuryente, basura at maruming paligid, edukasyon sa tamang pagtatapon at pag-recycle, tax collection, business permit processing, land grabbing, at property disputes.
Ang pagpupulong ay ginanap ngayong araw, Hunyo 9, 2025, sa Balon Bayambang Events Center, at dinaluhan ng mga opisyal mula sa iba’t ibang barangay at mga department, unit, at agency head ng LGU. (RGDS/RSO; AG)