Bilang pagpapatuloy ng pagdiriwang ng National Women’s Month, ang HRMO ay nagdaos ng isang espesyal na art activity nitong March 10, 2026, sa Balon Bayambang Events Center, na nilahukan ng mga babaeng kawani ng LGU.
Ag aktibidad ay may layuning mabigyan ng pagkakataon ang mga babaeng kawani na maipakita ang kanilang pagkamalikhain, magsanay ng kanilang talento sa sining, at magkaroon ng sandaling pahinga mula sa kanilang pang-araw-araw na tungkulin sa serbisyo publiko.
Ang mga kalahok ay masiglang nakibahagi sa mga gawaing tulad ng flower crafting, paint by numbers, at keychain making, kung saan ipinakita nila ang husay at malikhaing pag-iisip sa bawat likha.
Pinangunahan ang aktibidad ni HRMO Head, Atty. Melinda Rose R. Fernandez, at dinaluhan ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, na nagbigay ng suporta at papuri sa mga kalahok, at hinikayat ang lahat na patuloy na lumahok sa mga aktibidad na nagpapakita ng kahalagahan ng kababaihan sa pamahalaan at komunidad.
Ang programa ay bahagi ng serye ng mga aktibidad ng pamahalaan bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Women’s Month, na naglalayong kilalanin at pasiglahin ang mahalagang kontribusyon ng kababaihan sa serbisyo publiko at sa lipunan. (Arianne Angel A. Villanueva, RGDS/RSO; AG)






