Sa harap ng mga natural na kalamidad, ang paghahanda ang pinakamatibay nating depensa at susi para sa ating kaligtasan. Isa sa mga hindi mahuhulaan at mapangwasak sa mga kalamidad na ito ay ang lindol.
Dahil dito, lumahok ang lahat ng empleyado ng LGU-Bayambang, kasama ang 77 barangay, at maging ang 68 na paaralan, kabilang ang Bayambang Polytechnic College, at lahat ng Child Development Center sa mga barangay bilang pakikiisa sa 1Q ng National Simultaneous Earthquake Drill (NSED).
Ang NSED ay inorganisa sa pangunguna ng MDRRMO Bayambang, at sa tulong ng PNP, BFP, at BPSO.
Ang earthquake drill ay nagbibigay sa mga mamamayan ng kaalaman ukol sa standard na pamamaraang “Duck, Cover, and Hold,” pati na rin ang iba pang “do’s and don’ts” na siyang makakatulong sa pinakaligtas na pagtugon sa panahon ng lindol. Sa pamamagitan din nito, matuturuan ang bawat isa upang maging listo at alerto sa anumang hindi inaasahang sakuna.
(nina Sharlene Joy G. Gonzales, Daryl M. Mangaliag/RSO; larawan: Ace Gloria, RSO, Ralph Perez, MDRRMO-Bayambang)