Bilang preparasyon ng LGU sa darating ng ISO 9001:2015 Surveillance Audit sa darating na Hulyo 25, 2024, nanguna ang ICT Office sa pagpapaalala sa mga kawani ng LGU ukol sa mga nararapat gawin at mga dokumentong dapat ayusin.
Kaya naman noong Mayo 15-16, 2024, nagkaroon ng Quality Management System Re-orientation online para sa mga kawani, QMS Orientation para sa mga bagong kawani, at isang training naman para sa mga Document Control Custodian ng bawat departamento.
Ang aktibidad ay isinagawa sa Balon Bayambang Events Center sa pangunguna ni Quality Management Representative at ICT Officer Ricky Bulalakaw. (RSO; JMB, VMV)