Pagdiriwang ng Women’s Month 2026, Pinaghahandaan

Pinulong ng MSWDO ang iba’t ibang departamento at ahensya upang planuhin ang line-up ng mga aktibidad na gagawin sa pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan sa taong 2026.

Kasama sa pulong na ginanap ngayong araw, January 20, 2026, sina Vice-Mayor Ian Camille Sabangan, Councilor Jocelyn Espejo, MLGO Officer Editha Soriano, at Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, sa pag-oorganisa ni MSWD Officer Kimberly Basco. (RSO; JMB)