Pagdinig sa 3 Panukalang Batas ukol sa Pagbenta ng Gamot, Pagpapalawig ng Bali-Bali’n Bayambang, at Paggamit ng Paputok, Isinagawa

Isang public hearing ang idinaos ng Sangguniang Bayan (SB) ukol sa tatlong ordinansa noong Enero 24, 2024, sa Balon Bayambang Events Center.

1. Una ay ang “An Ordinance Regulating the Dispensing, Selling, and Reselling of Pharmaceutical Products in Sari-Sari Stores and other Similar Retail Outlets of the Municipality of Bayambang, Pangasinan, and Providing Penalties for Violations.”

2. Ikalawa naman ay ang “An Ordinance Strengthening the Bali-Bali’n Bayambang Program and Adoption of the ‘Tapat Ko, Linis Ko’ Program.”

3. Ang pangatlo ay ang “An Ordinance Governing the Use of Firecrackers and Pyrotechnics of the Municipality of Bayambang, Pangasinan, and Similar Retail Outlets of the Municipality of Bayambang, Pangasinan.

Sa pagdinig ay tinalakay ang nilalaman ng mga ordinansa ukol sa pagsasayos sa pagbibigay, pagbebenta, at pagbili ng mga pharmaceutical product sa sari-sari stores at iba pang katulad na retail outlets. Kasama rin sa tinalakay ang pagpapalawig ng proyektong clean-and-green na nasimulan ni Mayor Niña Jose-Quiambao, ang Bali-Balin Bayambang.

Ito ay dinaluhan ng 77 Punong Barangay at mga concerned business owners sa Bayambang upang malaman ang kanilang mga saloobin at suhestiyon para makatulong sa pagbuo ng nasabing panukalang batas.

Ang naturang pandinig ay inorganisa ni SB Secretary Joel Camacho at pinangunahan nina SB Committee Chairman on Rules, Laws, and Ordinances, Councilor Amory Junio; SB Committee Chairman on Environmental and Natural Resources, Councilor Mylvin T. Junio; SB Committee Chairman on Public Order and Safety, Councilor Martin Terrrado II; at SB Committee Chairman on Health, Councilor Levinson Nessus M. Uy.