Patuloy ang pagsasagawa ng Committee Hearing ng Sangguniang Bayan (SB) ukol sa Barangay Annual Budget at Tax Ordinance para sa taong 2024 ngayong araw March 26 sa SB Session Hall, Legislative Building. Ito ay pinangunahan nina Committee on Finance, Budget, and Appropriations Chairman, Coun. Philip Dumalanta, Committee on Rules, Laws, and Ordinances Chairman, Coun. Amory Junio, at Committee on Barangay Affairs Chairman, Coun. Rodelito Bautista.
Dinaluhan ito ng mga Punong Barangay kasama ang kanilang mga Barangay Council members, kung saan ang bawat Punong Barangay at mga miyembro ng kanyang konseho ay naglatag ng mga kanya-kanyang budget at iba’t ibang prayoridad na proyekto at programa para sa kanilang nasasakupan.
Matapos ang ilang oras na pagdinig sa mga hinaing ukol sa mga proyektong paglalaanan ng pondo ng mga barangay, agad namang nabigyan ng solusyon ang mga ito.
Sa hearing ay sinuri at tinalakay ang 2024 barangay budget ng Zone 3, Tatarac, Langiran, Malioer, Paragos, Amancosiling Sur, Tanolong, Magsaysay, at Zone 4, at ang tax ordinance ng Brgy. San Gabriel 2nd, Paragos, San Vicente, Pantol, at Tococ West.
Kabilang din sa mga konsehal na dumalo ay sina Coun. Jose ‘Boy’ Ramos, Coun. Gerry Flores, Coun. Martin Terrado II at Coun. Benjie De Vera, at Coun. Mylvin Junio.
Naroon din si Vice Mayor IC Sabangan at SK Chairperson Marianne Cheska Dulay.
(ni: RSO, Maricar Perez; larawan: Ace Gloria)