Patuloy ang Anti-Dangling Wire Technical Working Group sa pangunguna ng Municipal Engineering Office sa pagbaklas ng mga dangling wire ng mga telecom provider sa paligid ng town proper, sa pakikipagtulungan sa PLDT.
Kabilang dito ang mga nakalaylay na kable sa harapan ng BDO at Municipal Police Station.
Dinemolish din ng PLDT ang mga nalalabing lumang poste ng Digitel sa may Quezon Blvd.
Matatandaang nag-umpisa ang aktibidad na ito matapos magpasa ng isang ordinansa ang LGU ukol sa mga naturang dangling wire. (RSO; Engineering)