PAGBAHA SA PUROK 1 ng BRGY. WAWA, NASOLUSYUNAN NA NG MUNISIPYO: MDRRMO, MEO at Wawa BDRRMC, Nagtulungan!

Noong nakaraang, Abril 21, 2026, nakipagpulong si Barangay Kapitan Mirasol Catubay kasama ang kanyang mga kagawad upang humingi ng update at pag-usap ang mga hakbanging upang tuluyan nang masulusyunan ang pagbaha sa nasabing lugar na kanilang masasakupan.

Kinumpirma ni LDRRMO Gene N. Uy na natapos na ang paggawa ng cross drainage na base sa masusing pag-aaral ng Engineering Office, ay syang kailangan upang makapagbigay daan na mawala ang pagbaha sa lugar. Sa utos ng ating mahal na Mayor, Niña Jose Quiambao, ang dinisenyo at pagbantay sa paggawa ay tinugunan ng ating Municipal Engineering Office samantalang ang budget ay galing sa Municipal DRRM Fund.

Kung babalikan, ang Lokal na Pamahalaan, sa pakikipagtulungan ng MDRRMO, Municipal Engineering Office, at BDRRMC, ay nagsagawa na ng mga hakbang upang mabigyan ng solusyon ang nasabing suliranin, nagkaroon ng paulit-ulit na pag-ocular sa lugar at gumawa ng masusing pag-paplano. Kabilang dito ang pagkakagawa at paghahanda ng drainage system na magsisilbing daluyan ng tubig baha mula sa mga apektadong kabahayan.

Iminumungkahi sa mga residente, partikular ang mga nasa loob ng private compound, ang maayos at maidirekta ang kanilang household canal patungo sa itinayong cross drainage upang masigurong maayos ang daloy ng tubig at maiwasan ang muling pagbaha sa tag-ulan.

Sa pamamagitan ng patuloy na koordinasyon at pagtutulungan ng pamahalaan at komunidad, inaasahan na mabibigyan ng pangmatagalang solusyon ang problema sa pagbaha at mapapabuti ang kalagayan ng mga residente sa nasabing lugar.