Upang talakayin ang mahahalagang programa at proyekto ng pamahalaang bayan, nagsagawa ang Municipal Development Council (MDC) ng isang pagpupulong sa Sangguniang Bayan Session Hall, ngayong Pebrero 11.
Kabilang sa mga pangunahing agenda ang pagtalakay sa mga panukalang pagbabago at pag-aamyenda sa Annual Investment Program (AIP) para sa mga taong 2025 at 2026.
Layunin ng mga pag-amyendang ito na higit na maiangkop ang mga proyekto sa kasalukuyang pangangailangan ng mga barangay at ng buong bayan, kabilang ang mga imprastraktura at pasilidad na magpapalakas sa serbisyong panlipunan at pampubliko.
Nagkaroon din ng orientation para sa mga Punong Baranggay hinggil sa Municipal Ordinance No. 18, bilang bahagi ng pagpapalakas ng implementasyon ng mga lokal na patakaran s solid waste management sa lebel ng kabahayan.
Tinalakay din ang ukol sa upgraded version ng Bayambang Community Service Card sa pamamagitan ng pagdagag ng financial service component nito sa tulong ng GCash.
Ang nasabing pagpupulong ay dinaluhan ng mga opisyales ng pamahalaang lokal, at ni Cong. Rachel “Baby” Arenas, na inirepresenta ni Malasiqui Councilor Jessica Gueco, bilang suporta sa mga programang pangkaunlaran ng bayan. (WMC/RSO; JMB)













